[AUTHENTICITY CERTIFIED: Text version below transcribed directly from audio]
Bob Arum: I present to you now the WBO Welterweight Champion of the World, Manny “Pacman” Pacquiao.
Manny Pacquiao: Thank you, Bob, and I would like to thank God for giving us and providing us a wonderful day, a beautiful day, and giving us strength.
And I wanna thank Showtime and HBO for helping to make this fight happen. And also Mayweather’s team, Mayweather Promotion, Top Rank Promotion and Team Pacquiao, and to all the media.
To all the media and press, thank you so much to all your support. And to the fans of boxing, I think, I believe that is what are you waiting for since 5 years ago. So I think the fight is on and you’re very excited. I know you’re very excited and we’re both of us we’re going to undergo a hard training for this fight and we will do our best on May 2 to make you happy.
And the most important thing is not to us, to me, or -- the most important thing is the name of the Lord that the name of the Lord will be glorified. And I want to know that there is God. I want -- This is -- This is what I want to know the people that, you know, I want to let the people know that there is God who can raise someone from nothing into something. And that’s me. That’s me. I came from nothing into something, and that’s -- I owe everything to God. He gave me this blessing so it’s all credit to the Lord.
And thank you to all the fans, especially to the Filipino people who are always supporting me. They’re watching now live in TV and some of them are here.
And I would like to thank Freddie Roach for, you know, for being very nice to us, Team Pacquiao, being nice to me, and Bob Arum and you know, that’s we call it our team is -- we have loyalty in each other because we’ve been working since 2001 until now 2015 and I think we’re the longest teamwork in boxing history, as a coach in boxer.
And also my promoter, Bob Arum, as my loyalty is to them, so thank you for trusting me, and God bless you all.
Tagalog Translation
Bob Arum: Ipinapakilala ko sainyo ngayon ang WBO Welterweight Champion of the World, Manny “Pacman” Pacquiao.
Manny Pacquiao: Salamat, Bob, at nais kong magpasalamat sa Diyos sa ibinigay nyang napakagandang araw at kalakasan. Gusto ko rin magpasalamat sa Showtime at HBO sa kanilang pagtulong na mangyari ang laban na to. Ganun din sa Mayweather’s team, Mayweather Promotion, Top Rank Promotion at Team Pacquiao, at sa lahat ng midya. Sa lahat na midya at mamamahayag, maraming salamat sainyong suporta at saka sa mga taga-hanga ng boksing.
Sa tingin ko, naniniwala ako na ito yung pinaka-hihintay nyo simula pa ng nakaraang limang taon. Kaya tuloy ang laban, at alam kong kayo ay sabik na sabik na. Pareho kaming mag-eensayo ng mahusay para sa laban na to at gagawin namin ang aming makakaya sa Mayo 2 para mapasaya kayo. At ang pinaka-importanteng bagay ay hindi tayo o ako. Ang pinakaimportante ay ang madakila ang pangalan ng Panginoon. At gusto kong malaman ng mga tao na merong Diyos na kayang iangat ang isang tao na galing sa wala. At ako yun. Galing ako sa wala. Lahat na meron ako ngayon ay dahil sa kanya. Sya ang nagbigay ng mga pagpapalang ito, kaya ang papuri ay sa Kanya.
Salamat din sa mga taga-hanga, lalo na sa mga Pilipino na laging sumusuporta sa akin. Nanonood sila ngayon sa kanilang mga telebisyon at ang iba sa kanila ay nandito.
Nais ko ding pasalamatan si Freddie Roach sa kanyang kabutihan sa amin, sa Team Pacquiao, sa akin. At si Bob Arum. Sa aming kupunan, meron kaming katapatan sa isa’t isa dahil magkakasama na kami simula pa ng 2001 hanggang ngayong 2015. Siguro kami na ang pinakamatagal na samahan ng isang tagapagsanay at isang boksingero sa buong kasaysayan ng boksing.
Ganun din sa aking promotor na si Bob Arum. Nasa inyo ang aking katapatan. Salamat sa pagtitiwala ninyo sa akin.
Pagpalain kayo ng Diyos!
Research Note: Transcribed and translated by South Transcription Unlimited, Inc. | www.southtranscription.com | info@southtranscription.com | (+63) 920.921.8709
Page Updated: 4/3/21
U.S. Copyright Status: Texts = Uncertain. Image (Screenshot) = Fair Use.